Dinalaw ni Vice President at Secretary of Education Sara Z. Duterte ngayong hapon ang ilang atleta ng Palarong Pambansa na kasalukuyang naka-confine sa Cebu City Medical Center (CCMC) upang magbigay ng moral support sa kabila ng kanilang kalagayan bago ang competition proper ng kani kanilang disiplina.
Nagbigay din ng words of encouragement si VP-Sec. Duterte sa mga pasyente upang hindi panghinaan ng loob.
Siniguro naman ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at host LGU na Cebu City na bibigyan ng karampatang assistance ang mga naapektuhang mag-aaral hanggang sa kanilang paggaling.